Huwebes, Pebrero 28, 2013

Mga Akdang Pangpanitikan


UNANG MARKAHAN

  1. BATANG-BATA KA PA ng APO Hiking Society
  2. ANG SUNDALONG PATPAT ni  Rio Alma
  3. ISANG DOSENANG KLASE NG HIGHSCHOOL STUDENT: Sipi mula sa Aba, Nakakabasa na Pala Ako! ni Bob Ong
  4. SANDAANG DAMIT ni Fanny Garcia
  5. KUNG BAKIT UMUULAN: Isang Kuwentong Bayan
  6. ALAMAT NI TUNGKUNG LANGIT ni Roberto AƱonuevo
  7. SALAMIN ni Assunta Cuyegkeng
  8. ANG PINTOR ni Jerry Gracio
  9. IMPENG NEGRO ni Rogelio R. Sikat
  10. ANG AMBAHAN NI AMBO ni Ed Maranan

IKALAWANG MARKAHAN

1.     NEMO, ANG BATANG PAPEL ni Rene O. Villanueva
2.     MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren R. Abueg
3.     ANG ALAMAT NI DARAGANG MAGAYON
4.     KAY MARIANG MAKILING ni Edgar Calabia Samar
5.     ANG MGA DUWENDE ni Isang Kuwentong-Bayan mula sa Bikol
6.     TRESE Isyu 5 ni Budjette Tan
7.     ALAMAT NG WALING-WALING
8.     MGA ALAMAT NI JOSE RIZAL: Kabanata 3, El Filibusterismo ni Jose Rizal
9.     NAPAGAWI AKO SA MABABANG PAARALAN
10. PAGLISAN SA TSINA ni Maningning Miclat

IKATLONG MARKAHAN

1.     PIMPLES, BRACES AT GWAPIGS ni Pol Medina Jr.
2.     SIPI MULA SA LIBRONG TUTUBI, TUTUBI, ‘WAG KANG MAGPAPAHULI SA MAMANG SALBAHE   
3.      ANG KAPANGYARIHAN NG WIKA, ANG WIKA NG KAPANGYARIHAN ni Conrado de Quiros
4.      PANDESAL
5.     PORK EMPANADA ni Tony Perez
6.     IBONG ADARNA
7.     MAGKABILAAN ni Joey Ayala
8.     NANG MAGING MENDIOLA KO ANG INTERNET DAHIL KAY MAMA ni Abegail Joy Yuson Lee

IKAAPAT NA MARKAHAN

1.     HARI NG TONDO AT UPUAN ni Gloc 9
2.     SIPI MULA SA “AMPALAYA (ANG PILIPINAS 50 TAON MAKATAPOS NG BAGONG MILENYO)” ni Reuel Molina Aguila
3.     NAGSIMULA SA PANAHON NG YELO
4.     BAGONG BAYANI ni Joseph Salazar
5.     BAYAN KO: LABAN O BAWI ni Jose F. Lacaba
6.     PULANGI: ANG ILOG NA HUMUBOGSA MARAMING HENERASYON
7.     OBRA ni Kevin Bryan Madrin
8.     BERTDEY NI GUIDO



Sanaysay tungkol sa Kalayaan

Kalayaan

    Kalayaang pinaglaban ng mga bayani laban sa mga dayuhan at mga banyaga sa pagaangkin sa Pilipinas. Ngunit ano nga ba ang kalayaan , bakit ito kailangan at bakit ito ipinaglalaban?
    Ito ang pinakaaasam na biyaya ang hiningi ng mga mga Pilipino laban sa mga dayuhan na gustong sakupin ang bansa. Ito ay para sa lahat ng tao upang magawa ang lahat ng gustong gawin.Kalayaang maligo, kumain , maglaro , makipagkaibigan at maraming iba. 
    Ang kalayan ay kailangan ibahagi sa mga taong nangangalangan o sa mga taong walang pakialam basta gusto ng kalayaan.Ito rin ay kailangan ipagmalaki dahil mas mahirap ang makamit ang kalayaan kaysa sa gumawa ng sanaysanay tungkol dito.

Kwento ng Gamit na lagi mong kasama

Ang Bag

    Ako si bag. Palagi akong dala ni Earl papunta iba't ibang okasyon maging isa itong party o bibili lang sa tindahan. Nilalagyan niya ako ng mga importanteng gamit niya tulad ng cellphone, wallet at maging kwaderno at bolpen. Dinadala niya ako sa iba't ibang lugar maging eskwelahan, pook- pasyalan , mga superstores , simbahan at sa mga campings. Ako ay misan nasa likod o minsan na ma'y ay sa gilid lang at sa tagal - tagal ng panahon na magkasami kaming dalawa ay hinde niya ako niminsan pinagpalit sa ibang bagay maliban na lamang sa Amazing Race na palagi kong kakumpetensya sa isip ni Earl. Ngunit alam kong darating ang panahon na papalitan niya rin ako katulad ng anong ginawa niya sa kapatid ko na si sling bag iniwan na niya sa tabi at hangang ngayon o ni minsan ay hinde parin niya ginamit ulit ang kapatid ko. malungkot man isipin ngunit may hangangan ang lahat ng bagay akatulad ko kukupas rin ako at kakalimutan rin ako kaya hangang ginamit pa niya ako ay nilulubos ko ang aking gamit para kahit pagsawaan na niya ako ay nagamit na niya ako ng lubusan.

Isang kwentong kababalaghan

Ang Kababalaghan 

    Noong unang panahon sa lugar ng ngayo'y tinatawag na Tetuan Central School ay dating isang hostipal ng mga Amerikano pagkatapos ng pandaigdigang kaguluhan . Marami ang namatay dito dahil sa kakulangan ng mga gamit pang gamot. Kaya marami ang nangyayaring kakilakilabot na pangyayari isa na nga lang ang ang nagyari sa silid aralan ng Six FL noong Oktubre 23, 2010. May babaeng sinapian ng masamang ispirito . Sinisigaw niya ang mga pangalan na siyang pumatay sa kanya noon panahon ng pandaigdigang kaguluhan. Ang guro ay napilitang tawagin ang isang albularyo upang ihiwalay ispiritu sa katawan ngunit hinde naging matagumpay . Pati ang librong ginagamit ng albularyo ay nasunog at binasbasan na siya ng holy water at agad - agad ay umalis na ang spiritu.

Tula ng Pangungulila

Ina kong mahal

Damang dama ko akin pag iisa
Pagkat nagbakasyion akin mag ina
Araw at gabi akong nangungulila
Pagkat hindi sanay nang mag-isa

Hindi ako makatulog nang maaga
Sapagkat isip ko’y lumilipad sa kanila
Laging daling araw ang akin pahinga
Sa kakaisip ko saking mag ina

Halos hindi rin makakain mag isa
Sapagkat sanay na kasabay si mama
Wala rin ganang kumain
Kahit masarap ang nakahain

Miz na miz ko na ang akin anak
Lalong lalo na ang kanyang halakhak
Mga ngiti nyang ubod nang saya
Nakakawala nang mga problema

Malaking tulong kayong mga kaibigan
Pagkat napapawi ang aking kalungkutan
Pagkayong nakakasama nagiging maligaya
Kahit konting oras ako’y sumasaya

Sanay hindi ako nakakaabala
Kaya sa inyo nagpapasalamat talaga
Galing sa puso nang isang ama
Na nangunguli sa kanyang mag ina

Brochure



Tula tungkol sa Dating Paaralan


Paaralan

Ang aking paaralan na dati kong pinasukan
Ay puno na ng maraming kagandahan 
Mga estudyante , puno ng kaalaman 
Galing sa mga gurong puno ng karunugan.

Dahil sa paaralnag aking nagisnan 
Ang aking buhay ay ngayo'y puno ng kaginhawaan
Aking landas ay mayroong patutunguhan 
Dahil sa pinakasaukan kong paaralan.

At sa aking pagawi sa aking paaralan 
Naalalako tuloy ang aking pinagaralan
 Mga pinagaralang hinding- hinde makakalimutan
Sapagkat lagi kong pinahahalagan.

Dahil sa aking karanasan 
Sa aking paaralan 
Ako ngayo'y namulat sa katotohanan
Na ang lahat ng bagay ay may hanganan.

Kaya huwag mong ikahiya ang iyong dating paaralan
Dahil ito ang magtuturo sa iyo ng karunungan;
Kaya ito ay pagkatandaan
Na ang iyong paaralan ay kayamanan.


Komiks tungkol sa Kababalaghan





KOMIKS




Dalawang bagay naimportante sa iyo bilang isang Estudyante

Pinili ko ang mga ito dahil ang high school life ko ay may maraming pagbabasa at pagsusulat.Kailangan ko rin mag-aral ng mabuti at kakalanganin ko ng KWADERNO/NOTEBOOK at LAPIS/PENCIL  para makapagtapos.
Kailangan ko ng Lapis para doon ko ilalagay ang aking mga lecture, natutunan, takdang-aralin at mga dadating na pagsusulit.
Kailangan ko ng lapis para masulat ko ang mga nalalaman ko at ang earaser para burahin ang mga mali na nagawa ko.

Brochure


Pagguhit kay Nemo ang Batang Papel


Pagpili ng bahagi sa Akdang Nemo ang Batang Papel


Sa isang iglap, lahat sila ay naging batang papel. Inilipad sila ng hangin. Kay gaan-gaan ng kanilang pakiramdam. Kay saya-saya nila dahil malayo na sila sa magulong pamilya, malupit na eskwelahan at maingay na kalsada.

Paglalarawan ng isang Painting

SCHOOL OF ATENS

-Ipinapakita sa larawan na ito ang mga tao na nag-iisip, bumabasa at nagtataka.
-Ang ibig sabihin ng larawan na ito ay ang sangay ng kaalaman. Ang School of Atens ay nakatuon sa pilosopiya bilang isang landas sa kaalaman, lalo na may kaugnayan sa unawa upang himukin ang kaalaman.

Pagguhit kay Bototoy


Lunes, Pebrero 25, 2013

Konsepto ng Kalayaan


Konsepto ko sa kalayaan

                Sabi nila lahat ng tao ay may kalayaan na gawin ng kanilang gusto. Totoo ba ito o hinde? Maynagsasabi ng Totoo daw. Ngunit may mga taong sumasabi na hindi ito totoo. Lalo na ang mga kabataan tulad ko. Napakaraming bagay na bawal gawin at dapat sundin. Kabilang na dito ang sumusunod.
               
Mayroon mga palabas sa television maging regular na programa o patalastas man ito sa
television, ang mga menor de edad ay bawal manood  at minsan kailangan pa ito ng patnubay
ng mga magulang. Ito ay isang batas ng KBP o Kapisana ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Bawat
programa na ipinapalabas sa television ay kinakailangan lagyan ng babala PG o parental
guidance. Ito ay upang mga bata ay hindi maimpluwensya sa masasamang gawain tulad ng pag
hawak ng mga baril at ibang pang mga violenteng halimbawa na ipinapalabas sa television.

Isa pang limitadong kalayaan ng mga bata ay ang pag gawa ng desision. Kailangan gabayan ng
mga magulang o mga matatanda ang bagay na ginagawa ng mga bata. Halimbawa nito ay ang
pag labas ng bahay at makipag barkada at umuuwi ng hating gabi na. Dahil nakakasira ito sa
pagaaral at hindi maganda ang maging kinabukasan ng mga batang hindi sumusunod sa utos ng
mga magulang.

                May mga bagay naman din na pwede natin gawin ngunit may limitasyon pa rin. Tulad ng
paglalaro,pagkain at iba pa. Napakaraming bagay na ipinagbabawal sa mga kabataan. Ngunit para ito sa
ating kabutihan dahil mahal tayo ng buong-buo n gating mga magulang at nakakatanda.

Kwento ng Gamit na lagi mong Kasama


Kwaderno
     
          Ako ay si Kwadero. Ang amo ko ay si Wilfred Martinez. Ako ay simple lamang. Binili ako sa Shop-o-rama. Gawa ako sa puno. Nakatutulong ako sa pamamagitan ng na sinusulat sa akin ng amo ko ang mga importanteng detalye tulad ng takdang-aralin, mga pagsusulit, mga paligsahan at mga proyekto.
          Hindi lang ang mga estudyante ang gumagamit ng kwaderno pati na rin ang mga taong may mataas na posisyon sa trabaho tulad ng mga guro, doktor, senator, ma sekretaryo ng president at kahit na rin ang president ay gumagamit ng kwaderno.
          Simple lamang ak, ngunit maraming mga paraan na pwede akong gamitin at napakaimportante ko dahil ginagamit ako ng mga mag-aaral upang makapagaral sa eskwelahan. Kahit amerikano ka par, Igorot ka pa, Chinese ka pa, Japanese ka pa, galing ka pa sa Antartica at sa pinakasulok ng mundo, bata man o matanda, mayaman man o mahirap importante ako sayo at ginagamit mo  ako araw-araw. Katulad na amo ko na si Wilfred.

Balitang Kababalaghan


Manok, Baka, Baboy at iba pang hayop Patay!
Maaring kinain ng Aswang!

Base sa pahayag ng mga nakasaksing pulis, aswang raw ang lumapa sa mga hayo. Ayon sa kanilang pahayag alas nuwebe ng gabi, Hulyo 13, 2012 ng makita nila  ang isang kapansin pansing nilalang na lumalapa sa mga hayop. May opinion ang mga residente nab aka paghihiganti ito ng aswang dahil nasira ang nasasabing tirahan nito. Gumawa ng pag-iingat ang mga residente sa pamamagitan ng pagsara ng mga bintana at pintuan sa gabi at pagsabit ng bawang sa mga bintana at pinto. Dahil may paniniwalang nakakapagtaboy ito ng aswang.

Buhay Sa High School


Buhay sa Mataas na Paaralan
            Para sa inyo ang High School ay maganda ba? Diba sabi nga nila na ito ang pinaka na masiyahin na bahagi ng buhay nila. Para sa akin oo. Naranasan ko kasi ito ng ganito.
            Ang unangaraw nang pagpasok ko sa mataas na paaralan, kinakabahan ako dahil marami akong iniisip na mga negatibo at ito ay mahirap at wala itong kasaya saya sa buhay. Subalit iba ang nakita ko sa aking paligid. Sa araw na ito nakilala ko ang mga kaklase ko na mula sa iba’t ibang paaralan. Sa una ako ay nahihiya  ahil hindi ko pa kabisado ang mga pangalan ng mga kaklase ko. Ngunit nagtagal nalaman ko na din ang mga pangalan nila at naging magkaibigan kami. Napuno ng saya ang buhay namin.
            Subalit ang buhay sa High Scholl ay mahirap rin pala. Mas marami na ang mga takdang-aralin, mas mahirap na din ang mga aralin pati ang mga proyekto mas madami na. Pero naniniwala ako na malampasan ko rin ito basta may tiwala ako sa diyos at pagpupunyagi sa pag-aaral.

Isang Kwentong Kababalaghan


Anino sa CR
            Base sa aking pinsan may nagkwento sa kanya ng isang kapani paniwalang kwento na gumanap sa kanilang paaralan kung saan ang nakaranas ay ang kanyang guro.
          Noong isang araw, may isang guro ng isang paaralan na pampubliko na pumunta sa isang banyos malapit sa grade six FL building ng mga luch time. Nang pumasok siya sa loob upang umihi may nakita siya ng isang anino na dumaan lang sa kanyang likodm ngunit binabalewala niya lang ito. Pagkaraan ng ilang sandal para umalis na siya ng biglang mayroon sino naglock sa kanya sa loob na galing sa labas.  Nang pinilit niya ng pinilit itongbuksan hindi niya pa rin ito mabukas hangang naagod siya. Nang napansin niya na parang may nagmamasdan sa kanya doon at nang napatalikod siya nay nakita siyang isang babae malapit sa bowl at bigla siyang napasigaw sa taji at may mga mag-aaral  ay tayming na dumadaan doon na narinig nila ang guro at binuksan ang pintuan nito agad-agad.
          At ang sabi ng ilan sa mga mag-aaral na tinulungan ang guro na masyadong namumutla ito at naginginig sa takot. Dito nagtapos ang isang kwento na hindi mapaniniwala na nangyari naman talaga sa totoong buhay sa Paaralang iyon. Noong panahon ng aking pinsan ay Grade 2 pa lamang siya kay Gng. Socoro Natividad. Na siya ring nagkwento sa akin at sa kanyang mga kaklase.

Sanaysay tungkol sa Pilipinas sa 2063


Ang Pilipinas sa 2063

          2063 na sa Pilipinas ngunit wala pa ring pagbabago. Marami pa rin ang mahirap at naghihirap. Bakit kaya hindi umuunlad ang Pilipinas? Buti sana ay noong binata pa ako ay lumipat na lang ako sa ibang bansa, kung ginawa ko yun ay hindi sana ako naghihirap ngayon. Ang swerte ng aking mga kaklase noong High School pa kame, nakapagpunta na sila sa abroad. Bakit kaya pareho lang ang Pilipinas noon 2013. 50 taon na ang lumipas ngunit pareho pa rin. Ano kaya ang dahilan kung bakit marami pa rin ang mahirap?
          Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”, tama sila, at tama rin naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa, ang pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Sapat ang sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila. Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa ang nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang makabili ng NFA Rice, mataas pa rin ang singil sa gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang sweldo ng isang empleyado lamang. Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking kamalian sa parte ng mga pinuno. Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin. Kung pinagaaral lamang sila ng kanilang magulang, malamang ay magkakaroon sila ng magandang kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang kadahilanang wala silang trabaho, pero may mga programa ang ating pamahalaan, maging ang local, para sa libreng pagaaral, pero mukhang hindi nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila nakaka-pagaral, at ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno. Ang katotohanan ay, tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong mga mamamayan ng bansa natin. Kung sisimulan natin ang pagbabago sa sarili natin, malamang ay mababagao rin natin ang antas ng ating pamumuhay, pinuno ka man o simpleng mamamayan ay dapat magbago para sa ikauunlad nating lahat.
          Ang Pilipinas rin ay mas marumi na ngayon. Mas marami nang basura kaysa ngayon at mas marumi na ang hangin, lupa at ang tubig. Ang akala ko ba gingawa na ng mga Siyentipiko ang kanilang trabaho na malutas ang problema ng polusyon sa ating mundo. Mas maiinit na at halos palagi na lang naka-aircon ang bahay ko. Wala nang tumutubong mga halaman. Konti na lamang ang mapagkainan at inumin. Ang hirap hirap na dito sa Pilipinas. Konti na lang mga lugar dito sa Pilipinas na preserved at hindi pa polluted.
          Kaya kailangan lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas ay sumikap at huwag na maging  tamad. Huwag na tayong umasa na ang gobyerno ang lulutas sa lahat ng ating mga problema at suliranin. May kasabihan na “Nagsisimula ito sa sarili.” Tama ito at dapat gawin ito. Hindi ko lang alam kung sundin ito ng mga Pilipino ay uunlad pa ba ang Pilipinas. Kaya Let us all help each other upang umunlad na ang ating bansa at malutas na ang mga problema sa ekonomiya, kapaligiran at iba pa.



Tula ng Pangungulila



Ang aking ina

Sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin
Dapat kong akyatin ang pinakamataas na tanawin,
Lumangoy kahabaan ang sahig ng karagatan,
Para lamang mapigilan ang aking ina na mag 
Trabaho sa ibang bansa. 

Halos araw at gabi hindi ako makatulog.
 Dahil hindi ako sanay na wala ang aking ina. 
Wala rin ganang kumain kahit masasarap na pagkain. 
Paano na lang ako pag wala na ang aking ina.

Gusto ko ng umaga at tanghali at takipsilim sa iyo.
Gusto ko ang iyong mga luha, ang iyong mga ngiti,
Mabuti na lang at nandyan kayo aking mga kaklase
Na nag bibigay sa akin ng konting saya

Na siyang nawawala ang aking problema
At nandyan kayo aking mga kaiibigan.
Na kahit papanoy nawala ang aking kalungkutan.




Alamat ng Lugar na Pinagmulan


Alamat ng Tugbungan

            Noong unang panahon sa Mindanao, may isang Raha nangangalang Raha Tugbu. Siya ay isang napakahusay na Raha, makisig, matapang at matalino. May asawa siya na nangangalang Megan. Nagkaroon sila ng Isang anak na si Tugbungan. Siya ang pinakamagandang babae  sa Mindanao. Kasing puti niya ang isang sampaguita, ang buhok ay napakahaba at maitim, nagniningning ang kanyang mga mata na parang bituin. Madaming mga lalaki na gusto siyang pakasalan.
            May isang Datu na nangangalang Datu Puti. Gustong gusto  niyang pakasalan si  Tugbungan, ngunit ayaw ni Raha Tugbu dahil si Datu Puti  ay isang masama na Datu. Dahil dito tinawagan ni Datu Puti ang kanyang kaibigan na nangangalang Itim. Si Itim ay may kapangyarihan  na gumawa ng halimaw. Inutusan siya si Datu Puti  na gumawa ng Halimaw para patayin si Raha Tugbu.
            Lumaban sina Raha Tugbu at Datu Puti. Natalo ni Raha Tugbu si at ng kanyang mga kawal si Datu Puti, ngunit pinatay si Tugbungan  ng isa sa mga halimaw. Nagalit si Raha Tugbu at pinatay niya  lahat ng mga halimaw. Pumunta siya kay Itim at tinanong siya kung paano  mabuhay si Tugbungan. Kung hindi siya sasagot ay papatayin siya. Madaling sumagot si Itim at sinabi niya na pumunta sa isang lugar, at doon may halaman na bubuhay kay Tugbungan.
            Sinunod ni Raha Tugbu ang sinabi ni itim. Pinakain niya kay Tugungan ang halamt at bigla itong nabuhay. Nagpasalamat si Raha Tugbu at ang kanyang asawa na si Megan kay Itim. Sumaya ang lahat ng tao sa Mindanao at simula doon, tinawag ang lugar na iyo na “Tugbungan”.

Linggo, Pebrero 24, 2013

Isang Balitang Kakaiba

Isang menor de edead na batang nawawala;
Nang bumalik buntis, Ang tatay Maligno?

      Isang batang babae nagngangalang ay nawala ng 10 araw at nung bumalik ay nagdadalagang tao na. Siya ay huling nakita sa balete drive at naglalaro. Inaakalang maligno ang dumakip at binuntis ang batang babae. Pagkatapos lumabas ng bata sa tiyan ng bata noong Pebrero 10 ay may kakaibang mukha at balat, ang balat ay puno ng balahibo, kaya kumunsulta kaagad sila sa albularyo at konpirmadong maligno nga ang nagbuntis sa bata ngunit sa kasamaang palad ay namatay ang batang niluwal ni Fe at nagpakita ang maligno at kinuha ang batang inuluwal at dinala pababa ng lupa. 
     Hinde na alam ng albularyo ang gagawin kaya binasbasan nalang niya ng langis pangontra sa maligno at simula doon ay hinde na ginambala si Fe ng maligno.

Buhay Highschool

      Ang bagong panimula sa isang bagong yugto sa buhay ng isang mag-aaral ang buhay high school.Maraming bagong bagay at mas humihirap na rin ng kaunti ang mga gawain. Marami- raming mahirap na gawain, takdang- aralin at mga kailangan dalhin para sa iba't ibang asignatura.Mga bagong klasmayt na galing sa iba't ibang eskwelahan at mga guro na beterano na sa pagtuturo sa Regional Science High School
          .Mas nabigyan na nang importansya ang pagaaral dahil sa mas pinahirap at mas pinahabang mga takdang - aralin. Kahit ganun pa man ay kailangan pa rin nating makibagay sa ating paligid. Sa una ay mahirap dahil bago ka palang sa bago mong pinag- aaraln mo pero hindi mag-tagal ay makikibagay ka na talaga o sa madaling salita ay mas magiging komportable ka na matapos mong makibagay sa inyong paligid.