Lunes, Pebrero 25, 2013

Alamat ng Lugar na Pinagmulan


Alamat ng Tugbungan

            Noong unang panahon sa Mindanao, may isang Raha nangangalang Raha Tugbu. Siya ay isang napakahusay na Raha, makisig, matapang at matalino. May asawa siya na nangangalang Megan. Nagkaroon sila ng Isang anak na si Tugbungan. Siya ang pinakamagandang babae  sa Mindanao. Kasing puti niya ang isang sampaguita, ang buhok ay napakahaba at maitim, nagniningning ang kanyang mga mata na parang bituin. Madaming mga lalaki na gusto siyang pakasalan.
            May isang Datu na nangangalang Datu Puti. Gustong gusto  niyang pakasalan si  Tugbungan, ngunit ayaw ni Raha Tugbu dahil si Datu Puti  ay isang masama na Datu. Dahil dito tinawagan ni Datu Puti ang kanyang kaibigan na nangangalang Itim. Si Itim ay may kapangyarihan  na gumawa ng halimaw. Inutusan siya si Datu Puti  na gumawa ng Halimaw para patayin si Raha Tugbu.
            Lumaban sina Raha Tugbu at Datu Puti. Natalo ni Raha Tugbu si at ng kanyang mga kawal si Datu Puti, ngunit pinatay si Tugbungan  ng isa sa mga halimaw. Nagalit si Raha Tugbu at pinatay niya  lahat ng mga halimaw. Pumunta siya kay Itim at tinanong siya kung paano  mabuhay si Tugbungan. Kung hindi siya sasagot ay papatayin siya. Madaling sumagot si Itim at sinabi niya na pumunta sa isang lugar, at doon may halaman na bubuhay kay Tugbungan.
            Sinunod ni Raha Tugbu ang sinabi ni itim. Pinakain niya kay Tugungan ang halamt at bigla itong nabuhay. Nagpasalamat si Raha Tugbu at ang kanyang asawa na si Megan kay Itim. Sumaya ang lahat ng tao sa Mindanao at simula doon, tinawag ang lugar na iyo na “Tugbungan”.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento