Huwebes, Pebrero 28, 2013

Tula tungkol sa Dating Paaralan


Paaralan

Ang aking paaralan na dati kong pinasukan
Ay puno na ng maraming kagandahan 
Mga estudyante , puno ng kaalaman 
Galing sa mga gurong puno ng karunugan.

Dahil sa paaralnag aking nagisnan 
Ang aking buhay ay ngayo'y puno ng kaginhawaan
Aking landas ay mayroong patutunguhan 
Dahil sa pinakasaukan kong paaralan.

At sa aking pagawi sa aking paaralan 
Naalalako tuloy ang aking pinagaralan
 Mga pinagaralang hinding- hinde makakalimutan
Sapagkat lagi kong pinahahalagan.

Dahil sa aking karanasan 
Sa aking paaralan 
Ako ngayo'y namulat sa katotohanan
Na ang lahat ng bagay ay may hanganan.

Kaya huwag mong ikahiya ang iyong dating paaralan
Dahil ito ang magtuturo sa iyo ng karunungan;
Kaya ito ay pagkatandaan
Na ang iyong paaralan ay kayamanan.


1 komento:

  1. Magandang hapon! Nais ko sanang hingin ang inyong permiso upang ma-ilathala ang tulang nakapost sa webpage na ito. Maaari po kayong magpadala ng mensahe sa email address na it: abivabookdev.kp@gmail.com. Maraming salamat po.

    TumugonBurahin