Mga Pahina

Lunes, Pebrero 25, 2013

Konsepto ng Kalayaan


Konsepto ko sa kalayaan

                Sabi nila lahat ng tao ay may kalayaan na gawin ng kanilang gusto. Totoo ba ito o hinde? Maynagsasabi ng Totoo daw. Ngunit may mga taong sumasabi na hindi ito totoo. Lalo na ang mga kabataan tulad ko. Napakaraming bagay na bawal gawin at dapat sundin. Kabilang na dito ang sumusunod.
               
Mayroon mga palabas sa television maging regular na programa o patalastas man ito sa
television, ang mga menor de edad ay bawal manood  at minsan kailangan pa ito ng patnubay
ng mga magulang. Ito ay isang batas ng KBP o Kapisana ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Bawat
programa na ipinapalabas sa television ay kinakailangan lagyan ng babala PG o parental
guidance. Ito ay upang mga bata ay hindi maimpluwensya sa masasamang gawain tulad ng pag
hawak ng mga baril at ibang pang mga violenteng halimbawa na ipinapalabas sa television.

Isa pang limitadong kalayaan ng mga bata ay ang pag gawa ng desision. Kailangan gabayan ng
mga magulang o mga matatanda ang bagay na ginagawa ng mga bata. Halimbawa nito ay ang
pag labas ng bahay at makipag barkada at umuuwi ng hating gabi na. Dahil nakakasira ito sa
pagaaral at hindi maganda ang maging kinabukasan ng mga batang hindi sumusunod sa utos ng
mga magulang.

                May mga bagay naman din na pwede natin gawin ngunit may limitasyon pa rin. Tulad ng
paglalaro,pagkain at iba pa. Napakaraming bagay na ipinagbabawal sa mga kabataan. Ngunit para ito sa
ating kabutihan dahil mahal tayo ng buong-buo n gating mga magulang at nakakatanda.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento